|
Ilan na bang Pilipino't Pilipina |
|
Ang may damdaming parang pinipino't pipina |
|
Ito ay dahil sa pagkalayo ng milya milya |
|
Sa kanilang mga iniingatan na pamilya |
|
Buhay sa Pinas ito na ang aming nakasanayan |
|
Kaya masakit sa amin iwan ang sariling bayan |
|
Oo, mahirap sa Pinas pero masaya |
|
Sa ibang bansa may pera ngunit nagiisa ka |
|
Tuwig pasko, kaarawan, bagon taon nakaupo lang |
|
Tinatanong sa sarili kung bakit parang may kulang |
|
Ako'y nalulungkot nadadama ba't ganito |
|
Oo nga pala, pamilya ko wala sa tabi ko |
|
Kaya kung minsan aming luha ay pumapatak patak |
|
Dahil kami'y kabilang sa pamilya na watak watak |
|
At kung sa Pinas naging sapat ang sahod ng pagod |
|
Eh di sana ang Pinoy di na sila nag-aabroad |
|
Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan |
|
Halika na tara sabay sabay tayong lumaban |
|
Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa |
|
Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila? |
|
Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya |
|
Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya |
|
Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos |
|
Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos |
|
Kailangan mong gumising ng maaga at bumangon |
|
At kumayod ng kumayod ng kumayod ng maghapon |
|
Kailangan mong kumilos dito bawal ang tamad |
|
Ang tanging iisipin mo ang bawat oras ay bayad |
|
Kahit na may sakit ka pa ay pipilitin gumalaw |
|
Dahil mawawala at sayang kikitain mo sa araw |
|
Kailangan magtiis kailangan mong pagtyagaan |
|
Kailangan buhay ng pamilya mo itong mapagaan |
|
Pero kung minsan ay di nyo alam sila'y nagtatampo |
|
Sila'y naalala lang kapag may kailangan kayo |
|
Tinitiis na nga nila yung hindi kayo makita |
|
Binibigay nyo pa puro masasamang balita |
|
Sana minsan ay makadama naman kayo ng awa |
|
Kung walang mapadala sana kayo'y makaunawa |
|
Dahil tao din sila at meron din nababayaran |
|
Pera pagkakasyahin nang di kayo mapabayaan |
|
Sa ibang bansa sila ay nakipagsapalaran |
|
Upang anak ay maipasok lamang sa paaralan |
|
Para to sa kinabukasan mo't ikaw ay makatapos |
|
Kaya wag sabihinh di kayo pinalaking maayos |
|
At laging tanong "Kailan ka ba magpapadala?" |
|
Ni hindi na natanong sa kanila "Kamusta ka?" |
|
Sila'y nangungulia at damang dama nila pasakit |
|
Kaya sana suklian naman ng konting malasakit |
|
Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan |
|
Halika na tara sabay sabay tayong lumaban |
|
Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa |
|
Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila? |
|
Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya |
|
Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya |
|
Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos |
|
Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos |
|
Pag ika'y galing abroad kala nila mayaman ka |
|
Pero alam mo ba ang tanging totoo matapang ka |
|
Oo matapang ka matapang ka lagi mong tandaan |
|
Matapang ka, matapang ka kahit laging nakadagan |
|
Sayo'y puro problema at pasan pasan ay mabigat |
|
Pero ika'y tuloy tuloy pa rin kahit ika'y hirap |
|
Ika'y nahihirapan na problema patong patong pa |
|
Pero ilan na bang pagsubok ang iyong napatumba |
|
Kaya susuko ka pa ba sayong mga nasimulan |
|
Ika'y nasa kalagitnaan na kaya wag hintuan |
|
Sayong pangarap ay papalapit ka na sa unahan |
|
At balang araw darating ka rin sa nais punatahan |
|
Kahit hindi pa sa ngayon ang yong pagasa wag itapon |
|
At isipin mas malapit ka ngayong kesa kahapon |
|
Ang lungkot mo sa ngayon may kapalit itong ligaya |
|
At lahat ng hirap mo may kapalit itong ginhawa |

anonclara123 |