|
Ako'y may alaga asong mataba |
|
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha |
|
Mahal niya ako, mahal ko rin sya |
|
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama |
|
Kung ako ay aalis, siya'y sumusunod |
|
Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod |
|
Mahal niya ako, mahal ko rin sya |
|
Hindi lang s'ya alaga, kaibigan ko pa |
|
Kahit hayop ay dapat ring mahalin |
|
Lalo't maamo at masunurin |
|
Sila'y alagaan at 'wag pababayaan |
|
Tao at hayop may unawaan |
|
Sa aking pag-iisa aso ko ang kasama |
|
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama |
|
Mahal niya ako, mahal ko rin sya |
|
'Pag lalambing niya aking damang dama |
|
'Pag siya'y binabato, aking pinagtatanggol |
|
'Pag ako'y inaaway, kanyang tinatahol |
|
Mahal niya ako, mahal ko rin sya |
|
Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa |
|
Kahit hayop ay dapat ding mahalin |
|
Lalo't maamo at masunurin |
|
Ngunit minsan ay 'di mo rin akalain |
|
Ang pangyayari ay nagbabago rin |
|
Kahol sya ng kahol, ang aso ko'y nauulol |
|
Laking gulat ko pati ako ay hinabol |
|
Mahal niya ako, mahal ko rin sya |
|
Kaya ganon nalang ang aking pagtataka |
|
Ako'y may alaga asong mataba |
|
Bunto't ay mahaba, makinis ang mukha |
|
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya |
|
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na |