作曲 : Hans Christian Labayen Samson 作词 : Hans Christian Labayen Samson Oh, aking bulaklak Duyan ng aking pagsinta Itong hampas ng bagyong Matatagpuan sa aking isipan Ang sanhi ng pait Na namamalagi sa aking kaluluwa At tangi sa angkin mong halimuyak Mapapatamis muli ang simoy ng hangin Lumapit ka, aking mahal Sa’yo lamang mananatili At ibibigay ang sarili (Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw) Ooh (Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw) Ooh, ang paraiso Oh, aking paruparo Tahanan ng aking pagsuyo Ako ay naghihintay Sa'yong muling pagdalo Umaasa sa panaginip na dalhin akong papalayo Patungo kahit sa anino lang ng iyong mga bulong Lumapit ka, aking mahal Sa’yo lamang mananatili At ibibigay ang sarili (Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw) Ooh (Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw) Ooh, ang paraiso Lumapit ka, aking mahal Sa’yo lamang mananatili At ibibigay ang sarili