|
zuò cí : Cyrus Valdez |
|
zuò qǔ : Cyrus Valdez |
|
Verse: |
|
Noong ako' y musmos pa lamang |
|
Ako' y ' yong laging buhat buhat |
|
O, ang ating mga tawang wagas |
|
Angkas angkas sa' yong balikat |
|
Abot kamay ko na ang langit |
|
Parang hawak ko na nga ang araw |
|
' Di naman pala gano' n kainit |
|
Ngunit ito nga' y nakakasilaw |
|
Tuwing ako' y iyong karga |
|
Pakiramdam ko ang gaan ng buhay |
|
Ang mundo ngayong walang tinta |
|
Dati' y ' di ko mabilang ang kulay |
|
Busog parati ang mga mata |
|
Lahat ng makito ko no' n |
|
Pero tila sila' y nawala |
|
No' ng nagsimula akong tumanda |
|
Nakakabigla |
|
Bigla bigla na lang bumigat |
|
Sa isang iglap |
|
Biglang ' di mo na ako mabuhat |
|
Binulungan, " Anak |
|
Tuturuan na kitang maglakad" |
|
Ako' y ' yong binaba |
|
At lahat na lang ng aking hinakbang |
|
Ako' y nadapa |
|
Chorus: |
|
Isakay sa' yong balikat |
|
Upang ako' y makalipad |
|
Itago sa' yong yakap |
|
Ibaon sa' yong dibdib |
|
Upang ako' y makaidlip |
|
' Wag mo nang luwagan |
|
Ang kapit mong mahigpit |
|
Verse: |
|
Dati rati ' pag madilim na |
|
Takot parati |
|
' Pag matutulog na |
|
Ika' y katabi, sa kumot kahati |
|
Biglang magtatalukbong |
|
' pag may kumaluskos sa bubong |
|
Ako' y ' yong pakakalmahin |
|
Sa pamamagitan ng pagbulong sa aking tenga |
|
" Teka, bakit ka natatakot? |
|
' Di ba yakap yakap kita |
|
Mula paa hanggang sa batok? |
|
Kumpara sa kumot na ' yan |
|
Saki' y mas protektado ka, ' di hamak |
|
Pangakong habang nandito ako' y |
|
Ika' y kailanma' y ' di mapapahamak" |
|
Dahan dahang paghatak sa' kin |
|
Papalapit sa' yo |
|
Anong ginhawa naramandaman |
|
Makatabi ang puso mo |
|
Madikit lamang sa' yong dibdib |
|
Tiyak mahimbing ang tulog ko |
|
At mananaginip na habambuhay |
|
Ika' y makakapiling ko |
|
Chorus: |
|
Isakay sa' yong balikat |
|
Upang ako' y makalipad |
|
Itago sa' yong yakap |
|
Ibaon sa' yong dibdib |
|
Upang ako' y makaidlip |
|
' Wag mo nang luwagan |
|
Ang kapit mong mahigpit |
|
Verse: |
|
Untiunting napapansin ang ' yong lakas na |
|
Tumatakas sabay ng pagdagdag ng ' yong edad at |
|
Ang realidad ng mga panahong |
|
Lumipas na sa kahapon |
|
Nakikita ko pa rin sa' yong mga mata |
|
Hanggang ngayon |
|
Pagpasensyahan mo na |
|
Ang aking mga nagawa |
|
Mga pagkakamaling ikaw rin nagsabing |
|
Likas sa aming mga bata |
|
Pero bakit nang tumanda |
|
Ligaw pa rin at walang alam |
|
Ilaw mo pa rin ang tinitingala |
|
Takot pa rin at naguguluhan |
|
Ngunit anong sakit na |
|
Makita ang ' yong bayani |
|
Na pinilit kayong iahon |
|
Araw araw siyang kumayod |
|
Ngayon hirap ka na ngang bumangon |
|
Pero ' wag mag alala |
|
Dahil ako ngayo' y babawi |
|
Magpahinga ka na, mahal |
|
Sa' yong pagod ako ang papawi |
|
Chorus: |
|
Sumakay sa' king balikat |
|
Upang ika' y makalipad |
|
Magtago sa aking yakap |
|
Sumandal sa aking dibdib |
|
Upang ika' y makaidlip |
|
Tandaan na lagi kang |
|
Nasa puso' t isip |
|
Tandaan na lagi kang |
|
Nasa puso' t isip |
|
Tandaan na lagi kang |
|
Nasa puso' t isip |