Ang bundok namin ay walang kapunu-puno Milyun-milyon ang taong nagtayo nito Bawat dekada, pataas nang pataas Monumento ng mga dumi at kalat Woh hoh Akyat-panaog mga tuta't mga tao Araw-gabi ang hanapbuhay dito Sinusuyod, hinukukay ang pwedeng makuha Ibebenta o pagkain sa umaga Woh hoh May bote, may bakal May plastik, may adik Sa bundok namin May pagpag, may laglag May baliktad, may bayad Ang bundok namin Woh hoh wowoh Woh hoh wowoh Madalas masunog ang aming bundok Magdamag na kumot, makapal na usok Panganib ang tuluy-tuloy na pag-ulan May nababaon, may nadadaganan May langit itong gusto Kung mayro'n lang ibang tao May alam ba kayo Bumabalik, bumubuhay Ikaw naman ang naghukay Sa bundok namin May bote, may bakal May plastik, may adik Sa bundok namin May pagpag, may laglag May baliktad, may bayad Ang bundok namin Woh hoh wowoh Woh hoh wowoh