Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala Kung maaari sanang maibalik ang dati Hindi sana 'to nangyari Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta Ang sumpaang idinikta mo sa 'kin Ang pag-ibig na manggagaling sa 'yo kahit mga bata pa tayo Ay hindi na mabilang ang mga nabubuong mga plano Kasabay ng eroplanong papel Ang paglipad ng mga pangarap nating gusto nating marating Tunay na pag-ibig na ang nadama, sa aking edad na siyam Ako'y palaging masaya, 'yan lang ang aking alam Sa bawat oras na kasama ka, habang naglalaro sa ating baryo Ay hindi ko mapigilang matitigan Medyo pilyo na ang pagtingin mo sa 'kin Pero 'di mo kinakailang ako'y gusto mo rin At parang 'di ko na gugustuhing mapalayo pa Ikaw lang ang para sa akin, sa aking dalangin, palaging nando'n ka Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala Kung maaari sanang maibalik ang dati Hindi sana 'to nangyari Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama Araw-araw ang eksena ay palaging masaya Sa pagpasok, pag-uwi ng eskuwela, kasama ka Hanggang sa paglalaro, ikaw pa rin ang kaparehas Sa aking kaharian, ikaw ang natatanging reyna Lahat ay itsapuwera kahit na anumang bagay Katunayan, boto sa 'kin ang iyong mahal sa buhay Kumpleto na't matibay at lahat ay okay na Hanggang sa dumating ang biglaan na problema Nagulat ako isang araw, nakita ko ang aking ama at aking ina Nakita ko na sila'y mayro'ng bisita, ang mga kulay ng mata ay iba Tinawag nila ako't lumapit sa aming bisita, "Halika, anak, kalika" No'ng narating ko, "Bakit, ano po?", "Anak, ganito, maupo ka" "Matutupad na ang pangarap ko para sa 'yo, heto na 'to Huwag mo sana kaming bibiguin, umaasa ako at ang ama mo Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit, kakayanin ko 'to Lilisan ako pero tandaan mo na ako ay magbabalik para sa 'yo" Nagbilang ng mga araw at buwan Ngunit panaginip nang muli kang madatnan Kung sana'y 'di nawalay kahit na isang saglit Pag-ibig ay buhay pa rin (pag-ibig ay buhay pa rin) Kahit 'di na pumikit Sa 'king pag-uwi Baon ko'y walang hanggang ngiti (walang hanggang ngiti) Lundag ng puso, sabay sa bawat paghakbang patungo sa 'yo Ngunit parang may nagbago Lumipas ang napakaraming taon Sa wakas ako'y nakabalik nang muli (ah) 'Di masukat sa labi ang mga ngiti Napawi ko na lahat ng pighati Pumasok sa aking isipan Na ang kasagutan ko sa katanungan ay narito na (ah) 'Di na maghihiwalay Humawak ka sa 'kin, ibabalik ka Sa dating napakasaya No'ng tayo'y mga bata pa (ah) Sa lugar kung saan na ikaw at ako Ay nangako na tayo na ngang dalawa Nagtungo ako, baka naroon ka Kasi nga gusto na kitang makita (ah) No'ng narating ko, niyakap mo ako "Salamat sa iyo, dumating ka" 'Yan ang salita na nanggaling sa 'yo Napaluha ako, ngayong katabi ko Na ang babaeng nag-iisa lamang Na pinakamamahal ko sa mundo (ah) Humawak ka sa 'king kamay Kasabay ng mga luhang taglay Ng emosyon at pananabik Napakasarap ng mga bawat halik (ah) Tumangan ka sa 'kin At ibinulong mo ang iyong mga pangungulila Nagpasalamat ka sa 'kin Pero, "Patawad, mahal" ng mahina Tinitigan kita sa mata "Bakit mayro'n ka bang kasalanan?" Laking gulat ko na lamang Nawala ka nang biglaan Pero bakit gan'to? Ano ba ang nangyari? (Napakasarap siguro) Bakit wala man lang sa 'kin nagsabi? (Kung 'di tayo nagkahiwalay) Ano bang klaseng biro ito? Ikaw daw ay naaksidente Ayokong maniwala sa kanila (lahat ng mga pangarap ko) Mahal ko, ako ay nakabalik na Mahal ko, ngayon, ako'y narito na (para sa atin ay nawala) Ibabalik natin ang dating saya Sumama ka sa 'kin, sabay tatahakin (kung maaari sanang maibalik) Ang mga hangarin na para sa atin Salamat sapagkat ako'y inantay (ang dati) 'Di na muli pang maghihiwalay Kahit na masakit kakayanin ko 'to (hindi sana 'to nangyari) Kahit na buhay ko pa ang itaya Kahit na masakit kakayanin ko 'to (ikaw pa rin sana) Kahit na buhay ko pa ang itaya (ang palagi kong kasama) Kung nalaman ko lamang Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan Ikaw ay ginapos at pinabayaan Tinapon na lamang at pinag-usapan At kinabukasan ay aking nalaman Ikaw pala'y napagsamantalahan Gusto kong balikan ang mga gumawa Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan Kung nalaman ko lamang Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan Ikaw ay ginapos at pinabayaan Tinapon na lamang at pinag-usapan At kinabukasan ay aking nalaman Ikaw pala'y napagsamantalahan Gusto kong balikan ang mga gumawa Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh) Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh) Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh) Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala (Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala)